Wednesday, October 17, 2007

Orange And Lemons - Moonlane Gardens

a band that hasn't been deflowered
Orange And Lemons - Moonlane Gardens
Year : 2007

Track Listing
-------------

1. Prologue
2. Moonlane Gardens
3. It’s About Time
4. Ang Katulad Mong Walang Katulad
5. Let Me
6. Moonjive
7. Eleven Minutes
8. Be With You
9. Buhay At Pagibig
10. 700 Miles
11. Ode To Love
12. Fade
13. I Feel Good, I Feel Fine
14. The Story Must Come To A Sudden End
15. A New Day
16. Epilogue



Anagram raw ng Orange & Lemons eh PLAGIARISM

"Lahat tayo mayroon pagkakaiba sa tingin pa lang ay makikita na"

Oo. Tama kayo OnL. Kitang kita na etong pangatlong album nyo ay saksakan sa pagka “over-pretensiousness” nyo. Obsess na obsess kayo sa pagka british kuno nyo eh nawala na yun pagka Pinoy nyo. Ewan ko ba. Noon unang lumabas tong mga mokong nato eh elibs na elibs ako. Sabi ko sa sarili ko, “Shyett astig to ha. Parang Nyu Weyb-Da Smits-wid-a-mikstyur-op-hawsmartins-en-a-dash-op-da-beetols!” Astiig! Kahit inspired kayo by da british bands eh nandun parin yun pinoy sound. Pero noon to nun lumabas yun album nyong “Love In The Land Of Rubber Shoes and Dirty Ice Cream” noong 2004. So ano na nangyari???

“Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga…”

Sino nga ba kayo? Eh mukha kayong pinoy, pango mga ilong nyo pero naka turtle neck at suede jackets kayo. Yun isang mokong eh naka scarf pa. Sa init ng pilipinas hindi ba pati singit nyo eh pinagpapawisan? Yun ba ang rason at saksakan ng baho tong bagong album nyo? Ewan ko ha. Pero parang ginaya nyo lang mga kanta ng mga Beetols eh. Eto nanaman tayo. Nagnakaw na nga kayo ng kanta (remember the Pinoy Ako/Chandeliers fiasco?) ngayon naman eh buong album na! Tas bakit pa sa lahat ng mga panget na kanta na nagawa nyo eh ginawa nyo pang singol tong “Katulad Mong Walang Katulad”? Ok ok. Wow meron kundiman feel eto. Pero wa-epek eh. Parang sinulat ng mga lasing sa kanto eh. Nakakaasar yun koro. O tas yun kanta nyo pang “Let Me”. Para bang trying hard na “Let It Be.” Hindi sa sinasabi ko na ginagaya nyo yun melody per se, pero tangina naman eh obyus na obyus bosing, hindi kayo si John Lennon eh. So kung sa isip nyo eh kayo na ang pinoy JL eh i-admit nyo na sarili nyo sa isang mental ward. Hahaha.

“Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako”


Ay naku huli na kayo sa balita. Di ba kayo nag babasa ng mga Forums? Sus pinagmalaki na sa buong mundo na puro gaya-gaya lang kayo. At madami na kayong ginago at nagago. Tangina ba naman sino ba hindi maasar dun sa spoken word ek-ek na may kasamang british accent!!! 700 Miles ba title nun? Pero malamang yun mga fans nyong mga bakla eh tiyak na tinitigasan pag narinig na yun fake accent nyo. Hindi pa ba sapat manggaya ng istilo ng ibang banda eh pati ba naman accent nang isang lahi eh kailangan pa bang gayahin??? Eh lumalabas parin yun pagka Bulakeño nyo eh. Tangina na tae yata ako nun narinig ko to! Shyett sabi ko sa sarili ko: “sarap sampalin ng tsinelas sa mukha tong mokong na to!” So ilan oras nyong pina-raktis to ser? Ilan takes? Hahahaha. Borderline delusional na ‘tong si Clem. Hoy kupal pinoy ka hindi ka british. At kung mang gagaya ka ng accent eh plis lang galingan mo naman!

“Pakita mo ang tunay at kung sino ka
Mayro’n mang masama at maganda”


So ano ba lasa ng tae na tinae nyo??? Masama ba o maganda? Lasang pinoy ba o imported from England?!?! Feeling "Pinoy Ako" parin ba kayo? Kailangan pa bang mag suot ng sweater at jacket para lang mag tunog beatles??? Kasi kulang etong album nato sa pinoy pride na pinagmamalaki nyo sa kanta nyo eh. Wala naman masama kung mag tunog poreyn yun sound nyo pero at the same time wag kayong kakanta ng kanta tunkol sa pagka-pinoy nyo kung tinatago nyo rin na pinoy kayo. Parang nagmukha lang kayong mga hipokrito.

“Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh… oohh…”


Ok so pramis nag disband na kayo ha? Totoo ba na nag break up na kayo? O baka naman ginagaya nyo lang ang The Beatles kasi nag disband rin sila? O Clem baka gayahin mo rin yun pagkamatay ni John Lennon ha? Wag naman ganyan! Wag nyo naman silang masyadong gayahin. O baka naman isa lang tong marketing ploy para bilhin ng mga tao tong album nyo. Para kunwari maging kolektors item na tong so called last album by OnL. Wais rin kayo eh. Pero may feeling ako na magkakabalikan pa kayo with a “new album in the works”. Hahaha BULLSHIT kung ganon nga. Pero kung hindi na kayo magkakabalikan eh ano pa masasabi ko kundi: RIP ONL!!! Now let’s see you try to come up with anagram for that one! HA!



Labels: , , , , ,